Mas mataas pa o nasa 100 piso pa rin ang bentahan ng kada kilo ng puting asukal sa 9 na palengke sa Metro Manila base sa monitoring ng Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa mga palengke na nananatiling mataas ang bentahan ng puting asukal ay sa Muñoz Market, Mega Q Mart, Quinta Market, Marikina Public Market, Guadalupe Market, San Andres Maket, Las Piñas Market, Malabon Market at Pasay Market.
Una ng sinabi ng DA na posibleng makaapekto ang pagbaba ng presyo ng asukal sa palengke kung magbababa ng presyo ang mga nasa super market.
Ilan umano sa mga supermarket ay nagbaba na sa 70 pesos hanggang 75 pesos sa kada kilo ng asukal
Samantala nasa 70 – 90 pesos ang kada kilo ngayon ng brown at wash sugar.
Facebook Comments