Ilang paliparan sa bansa, ramdam na ang masamang panahon sa dulot ng Bagyong Odette

Inihayag ni Jim Sydiongco, Director ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ramdam na ng ilang paliparan sa bansa ang sama ng panahon na dala ng Bagyong Odette.

Ayon kay Syndiongco, ang mga paliparan na ito ay nasa ilalim ng paliparan ng area na pintatakbo ng CAAP.

Batay aniya sa ulat na kanyang tanggap mula kay airport area 10 manager na si Job De Jesus, makulimlim na ang panahon na may kasamang mahinang pagulan at ihip na hangin ang nararanasan ngayon sa Laguindingan Airport, Ozamiz Airport, Camiguin Airport, Iligan Airport, Malabang Airport, at Wao Airport.


Pero sa ngayon ay wala pang pang abiso kaugnay sa mga pagkansela ng mga flight sa mga nasabing paliparan.

Pinayuhan na rin aniya ang mga tagapamahala ng nasabing paliparan na palakasin ang kanilang mga pasilidad at alisin na mga bagay na maaring tangayin ng hangin.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang mga information officer ng mga paliparan sa mga airline company para naman sa mga flight update.

Ganoon din aniya ang mga personnel ng tanggap ng malasakit upang mabigyan ng tulong ang mga pasaherong posbileng ma-stranded nang dahil sa bagyo.

Facebook Comments