Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bahagyang napinsala ng Bagyong Neneng ang Baguio Airport.
Ayon sa CAAP, partikular na nagkaroon ng damage ang bubong ng administration building
Ang ramp area naman ng Lingayen Airport ay binaha habang ang Laoag, Vigan at Rosales Airport ay walang pinsala.
Hindi naman napinsala at nananatiling normal ang operasyon ng Basco Airport, Cauayan, Bagabag , Palanan at Tuguegarao Airports.
Tiniyak naman ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na naka-secure na ang lahat ng airport equipments kabilang na ang telecommunication at radar facilities sa mga paliparan na kontrolado ng CAAP bilang paghahanda sa mga paparating na bagyo.
Facebook Comments