Ilang pamilya ng mga nasawi at nasugatan Carranglan, Nueva Ecija bus accident, nakatanggap na ng financial assistance

Manila, Philippines – Nakatanggap na ng financial assistance ang ilan sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa 34 na pamilya, dalawampu’t apat dito ang nakatanggap na ng P220,000 na cash assistance.

Naglaan ang bus company na Leomaric Transport ng P200,000 sa bawat pamilya ng mga nasawi habang ang P20,000 naman ay mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Pito naman sa 43 na pasaherong nasugatan sa road crash ay nakatanggap na ng P30,000 bawat isa, kung saan ang P20,000 ay galing sa bus company, at ang P10,000 naman ay mula kay Duterte.

Batay sa impormasyon mula sa bus company, ibibigay ang financial assistance sa natitirang beneficiaries sa susunod na Linggo.

Dahil sa aksidente, ipinag-utos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 30-day suspension sa Leomaric Transport.
DZXL558

Facebook Comments