Ilang pamilya ng mga pasaherong nasawi sa bus accident sa Carrangalan, Nueva Ecija – nakatanggap na ng insurance claim

Manila, Philippines – Nakatanggap na ng insurance claim ang ibang pamilya ng mga nasawing biktima sa malagim na bus accident sa Carranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay LTFR Boardmember Atty. Aileen Lizada – siyam (9) na pamilya na ang nakatanggap ng tig-200 libong pisong insurance claim mula sa Passenger Accident Management and Insurance Agency (PAMI).

Nabatid na nasa 34 ang bilang ng mga pasaherong nasawi sa aksidente habang 43 naman ang sugatan na tumanggap na rin ng 20-libong pisong insurance claim.


Magpapatuloy ang pagbibigay ng insurance claim ng PAMI sa Martes.

Samantala, naipamahagi na rin ng LTFRB ang tulong pinansyal mula malakanyang kung saan nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-P20,000 sa pamilya ng namatayan at P10,000 naman sa mga nasugatan.
Nation

Facebook Comments