ILANG PAMILYA SA LASIP CHICO, NANANATILI PA SA EVACUATION CENTER

Magdadalawang linggo na nang lumikas sina Jocelyn Alejandro sa Lasip Chico, Dagupan City dahil sa pagbahang naranasan nang humagupit si Emong.

Isa lamang siya sa limang pamilyang tumutuloy pa rin hanggang ngayon sa kanilang Barangay Hall.

Aniya, inanod ang kanilang gamit at sa ngayon, hanggang tuhod pa rin nag baha sa bahay nila sa Purok Uno.

Samantala, problemado rin si Marivic Suarez, dahil ang bahay na gawa sa kahoy na itinayo nila sa tulong ng pamahalaan, naabot din ng tubig baha.

Gayunpaman, inilahad ng mga ito na patuloy naman nag suportang nakukuha nila sa kanilang pagkain at kanilang mga pangangailangan.

Sa datos ng Dagupan City Social Welfare and Development Office, itinuturing nilang apektado ang aabot sa higit 44,000 residente ng lungsod

Dahil dito, patuloy na nag-iikot ang lokal na pamahalaan upang maihatid ang tulong katuwang ang DSWD.

Sa ngayon, mahirap man para sa kanilang mga pamilya ang sitwasyon umaasa naman silang mapapagaan dito kapag humupa na muli ang baha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments