Ilang pamilya sa Barangay Malabago, Mangaldan, Pangasinan ang hindi pa rin nakababangon matapos masira ang kanilang mga tahanan dahil sa Super Typhoon Uwan.
Nilipad ang gamit, nasira ang dingding, at nawalan ng bubong ang ilan sa kanilang mga bahay, karamihan sa Zone 1 ng barangay.
Tinatayang mahigit P50,000 ang halaga ng ari-ariang nasira sa isa sa mga residente, kaya pansamantala silang nananatili sa mga kamag-anak at kapitbahay.
Noong Biyernes, binisita ng lokal na pamahalaan ang barangay upang suriin ang mga partially at totally damaged houses at magbigay ng tulong sa mga nasalanta.
Patuloy pa rin ang pagtukoy ng pamahalaan sa kabuuang pinsalang iniwan ng bagyo sa buong bayan.
Facebook Comments









