Ilang pamilya sa Quezon City na lumikas sa kasagsagan ng malakas na ulan kagabi, nakauwi na

Dahil sa gumaganda na ang lagay ng panahon sa Quezon City, nagsibalikan na sa kanilang mga tahanan ang mga residente na lumikas kagabi dahil sa malakas na buhos ng ulan dala ng bagyong Ambo.

Sa report ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), kabilang sa nagsiuwian na ay ang mga residente na nakatira malapit sa Dario River sa Barangay Apolonio Samson.

Nasa sa labing anim na pamilya o 58 katao ang sumilong sa buong magdamag sa covered court ng barangay.


Galing ang mga evacuees mula sa Christine area at Kaingin bukid.

Facebook Comments