Ilang pampasaherong sasakyan sa Maynila na hindi sumusunod sa health protocols, sinampolan ng IACT

Muling nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Counc for Traffic (IACT) sa lungsod ng Maynila.

Partikular na ikinasa ang operasyon sa may bahagi ng Manila City Hall kung saan karamihan sa mga natikitan ay pawang mga tsuper ng pampasaherong jeep.

Ito’y dahil sa hindi sila nakasunod sa inilatag na bilang o capacity ng mga isasakay na pasahero bagama’t nasusunod naman ang pagsusuot ng face mask at face shield.


Nabatid na ilan sa mga lumabag ay ginawang punuan ang kanilang mga sakay na pasahero at hindi na nagawang ipatupad ang “one seat apart”.

Maging ang mga pampaseherong bus na halos punuan ang sakay ng pasahero ay tinikitan din ng mga miyembro ng IACT.

Ang mga tsuper na lumabag ay papatawan ng P2,000 hanggang P5,000 na multa kung saan muling paalala ng IACT na kinakailangan masigurong maipatupad ang physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments