Manila, Philippines – Nasampolan ang ilang mga Bus companies sa inspeksyon na ginawa ng LTFRB at Land Transportation Office sa may labing isang terminal ng bus.
Pinagmulta ng 50,000 at pinagpapaliwanag ng LTFRB ang Alps the Bus incorporated na biyaheng Batangas matapos na masita dahil walang Person With Disability Sticker ang mga bus nito.
Inimpound din ng LTFRB ang apat na Public Utility vehicles na kinabibiolangan ng dalawang taxi at isang van dahil sa pagiging colorum.
Tiniketan naman ang Dimple bus line matapos na masita ang isang bus nito na basag ang windshield.
Pinapalitan naman ng LTO ng gulong ang R. Volante line na biyaheng Bicol matapos na masita ang manipis o pudpod na gulong ng isa sa mga bus nito.
Samantala, nasa 3000 pasahero ang dumagsa sa Araneta Center Bus Terminal ngayong araw.
Ayon kay Princess Curitan ng Araneta Center Bus Port Admin Office ay halos 20-30 na bus na ang bumiyahe simula ka kaninang alas 5 ng umaga.