ILANG PAMPASWERTE SA TAONG 2025, TINATANGKILIK NG MGA DAGUPEÑOS

Sa pagpasok ng taong 2025, kaakibat nito ang bagong panimula, pag-asa, at swerte para sa karamihan.

Sa Dagupan City, dagsa na ang mga bumibili ng pampaswerte.

Ayon kay Maria Dela Peña, stall owner ng mga lucky charms sa isang mall sa Dagupan City, marami na ngayon ang namimili ng mga figurines at charm bracelets sa kanila bilang pampaswerte.

Karamihan sa mga costumers niya ay mga matatanda at ilang mga teenagers na ang hanap ay ang bracelet na naaayon sa lucky color ngayong taon na na lavender at mocha brown na nagkakahalaga ng P650 to P850.

Dagdag pa niya, maliban sa imahe ng wood snake, patok pa rin para sa mga negosyante ang maglagay ng tinatawag na Welcome Lucky Cat figurine.

Ayon sa Chinese Astrology, ang taong ito ay ang Year of the Wood Snake, ang nilalang na pinaniniwalaan ng mga Chinese na nahulog mula sa langit kapalit ng mga dragons kaya’t “little dragon” ang tawag nila sa mga ito.

Taliwas naman sa karakter nito mula sa bibliya na sinungaling at tuso, naniniwala ang mga chinese na ang mga ahas ay mahiyain, tapat, at maaasahan.

Likas na sa mga Pinoy ang paniniwala sa swerte kaya naman bukod sa pagpapa Feng Shui ng tahanan, naglalagay din tayo ng mga lucky charms sa bahay, negosyo, at pagsusuot ng lucky accessories.

Bagamat hindi na mawawala sa tradisyon natin ang paniniwala sa swerte, tayo pa rin ang gagawa ng ating sariling kapalaran kaya kalakip ng pagsisikap ay ang panalangin at paghingi ng gabay sa poong maykapal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments