Sanib-pwersang nilinisan ng iba’t-ibang grupo at sangay ng lokal na pamahalaan sa Bayambang ang pampublikong pamilihan at plaza, na pawang matataong lugar bilang patuloy na kampanya para sa kalinisan at kaayusan.
Layunin na mapanatili ang kalinisan at pairalin ang disiplina sa mga residente mula sa waste management.
Kabilang pa sa mga nilinis ang TODA Terminal,at ilang bahagi malapit sa solid waste drop-off point, kung saan winalis at tinanggal ang mga naipong basura na posibleng maging banta sa kalusugan.
Hinimok ng mga opisyal ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura at pagsunod sa mga ordinansa.
Sa naturang bayan, bahagi ng inisyatiba na gawing disiplinado ang mga residente mula sa pagsunod sa mga umiiral na batas at magkatuwang na trabahuin ng gobyerno at residente ang malinis, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat










