Matapos ang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT sa Commonwealth para mapatupad ang “No vaccine, No ride” Policy marami pa rin ang mga lumalabag na pasahero at driver na nasita ng mga otoridad.
Kanina hindi bababa sa 7 bus ang natikitan ng I-ACT sa pangunguna ni Ret. Col. Manuel Bonnevie ang commander ng Special Operation Unit ng I-ACT ito ay matapos mag sakay ng mga hindi bakunadong pasahero.
Multang ₱5,000 ang babayaran ng mga natikitan.
Samantala kanina isang babaeng pasahero naman ang nabisto na gumagamit ng ibang vaccine card para makasakay sa pampublikong sasakyan.
Paliwanag nito siya ay may karamdaman kaya’t hindi pa maaring mag pabakuna.
Kailangan niya aniyang gumawa ng paraan para makapasok dahil siya ay single mom at walang ibang maaasahan.
Sinabi naman ng I-ACT upang makasakay kahit walang vaccine card ay maaring kumuha ng health certificate bilang patunay na hindi pa siya maaring bakunahan dahil sa karamdaman.