Benguet – Nasira na ang ilang tanim na gulay at bulaklak sa Atok, Benguet dahil sa andap o ‘frost’.
Matatandaang bumagsak sa 6 degrees celsius ang temperatura sa Benguet kaya nabalot ng yelo ang mga pananim na hindi rin muna inani ng mga magsasaka dahil sa oversupply.
Pero ayon sa Department of Agriculture – Cordilera, wala itong epekto sa kabuuang suplay ng gulay sa Benguet.
Tiniyak din ng ahensya na sapat ang suplay ng bulaklak sa Pebrero kung saan mabili ang mga bulaklak dahil sa selebrasyon ng Valentines’ Day.
Samantala, kung sobrang lamig ang problema ng mga magsasaka sa Benguet, tag-tuyot naman ang perwisyo sa Ilocos Norte.
Sa datos sa pagasa-laoag, simula sa huling quarter ng 2018, ramdam na ng mga magsasaka ang epekto ng el Niño.
Ayon kay Engr. Cynthia Iglesia, chief meteorological officer ng pagasa-laoag, ngayong taon, asahang mas matindi ang magiging epekto ng el Niño pati na sa kalaklhang Luzon.
Dahil dito, pinayuhan ang mga magsasaka na iwasan munang magtanim ng mga halamang matakaw sa tubig mula ngayong Enero hanggang Abril.