Aminado ang ilang Pangasinense na nahihirapan umano silang tukuyin kung lehitimo nga ba ang mga balitang kanilang napapanood, nababasa at nakikita lalo sa loob ng mga pangunahing social media platforms.
Ani ng ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM News Team, mahirap umano para sa kanila kung minsan tukuyin ang mga balitang nagsasabi ng totoo dahil mapanlinlang din ang mga nagpapakalat ng fake news online.
Habang ang iba naman sa mga Pangasinense, naghahanap muna ng ibang source at websites ng mga pahayagan upang tiyakin na totoo ang balitang kumakalat sa social media.
Ang iba naman, bumabase lamang umano sa mga komento na iniwan ng ibang social media users ngunit responsibilidad pa rin umano ng mga ito kung maniniwala sa mga balitang nakalap online upang hindi mabiktima ng fake news. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨