Dumadaing ang ilang Pangasinense sa matataas na presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at langis.
Ani ng ilang konsyumer, bungad pa lamang ng Enero ay naramdaman na nila ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na ang gulay, karne, at bigas.
Nakaapekto in umano sa kanila ang pagtaas ng presyo ng langis bilang mga komyuter dahil sa paghirit ng taas pasahe ng mga jeepney drivers.
Kung magpapatuloy umano ito, maaaring mahirapan ang mga normal na manggagawa na makapamili ng sapat para sa kanilang mga inuuwiang pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments