ILANG PANGASINENSE, DUMISKARTE SA PAGPASADA NG KULIGLIG

Nahihirapan ang ilang sasakyan, lalo na ang mga light vehicles, sa pag-akyat sa intersection ng Perez Boulevard at MH Del Pilar Street sa Dagupan City. Dahil sa mga batong madulas, ilang sasakyan na rin ang nabalahaw sa gitna ng baha.

May ilang motorista pa ring nangangahas tumawid sa baha upang hindi na umiwas at mapalayo sa ruta.

Samantala, diskarte ang naisip ng ilang residente ng Pangasinan upang hindi lamang makatulong sa kapwa kundi pagkakitaan na rin. Isa na rito si Aldrin Perez mula Sta. Barbara. Ayon sa kanya, dahil matumal ang kita sa kaniyang pagbebenta ng prutas ngayong tag-ulan, minabuti niyang mamasada na lamang ng kuliglig.

Para naman sa ilang pasahero, malaking tulong umano ang kuliglig lalo na’t limitado ang mga bumibiyaheng jeepney na kadalasang punuan.

Sa ngayon, nananatiling lubog pa sa baha ang ilang bahagi ng Dagupan City dahil sa high tide at pag-apaw ng Sinucalan at Marusay River na konektado sa Pantal River. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments