ILANG PANGASINENSE, HATI ANG OPINYON SA PAGPAPALIBAN NG BSKE 2025

Ikinatuwa ng ilang mga barangay officials sa Pangasinan ang paglagda ni PBBM sa panukalang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2025.
Ayon sa ilang opisyales na nakapanayam ng IFM News, maipagpapatuloy pa raw nila ang kanilang nasimulang mga proyekto.
Ilang mga botante naman, hati ang opinyon ukol dito. Ang ilan, dahil sa satisfied umano ang mga ito sa serbisyo ng kanilang Barangay Council, mainam daw ang ekstensyon ng kanilang pamumuno.
Sumalungat naman ang ilang botante at sinabing dapat daw ay ituloy na ang eleksyon
Samantala, sa paglagda ng pangulo sa panukala, sa halip na December 2025 ang BSKE, nailipat na ito sa November 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments