Hati ang opinyon ng mga Pangasinense sa pagpapalit ng disenyo ng mga paper banknotes kung saan mga hayop sa Pilipinas ang ipinalit base sa inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon sa ilang Pangasinense, magdudulot umano ng disorientasyon o pagkalito sa publiko dahil malaki ang pagbabago sa disenyo ng pera kung ihahambing sa kanilang nakasanayan.
Bukod dito, mahalagang bahagi umano ng kasaysayan ng bansa ang mga personalidad na nasa kasalukuyang paper banknotes at kung tatanggalin ang mga ito ay nangangahulugang pagbalewala sa kanilang kontribusyon sa bansa.
Samantala, ilan naman ang sang-ayon sa hakbang ng BSP upang hindi na umano pagmulan pa ng bangayan at diskusyon sa mga lider ng bansa.
Tampok sa bagong disenyo ng pera ang layunin ng BSP na maipakilala ang malagong biodiversity ng Pilipinas tulad ng blue-naped parrot na nasa bagong 500-peso bill; Palawan peacock-pheasant sa 100-peso bill; at Visayan leopard cat sa 50 peso bill. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨