Hati ang naging reaksyon ng ilang Pangasinense sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kahapon.
Sumentro at naging tampok sa ulat ng Pangulo ang usapin ng pananagutan at accountability ng mga opisyal ng pamahalaan.
Samantala, ilang Pangasinense ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa mga inilatag na hakbang ng Pangulo, partikular sa paninindigang imbestigahan ang mga anomalya sa gobyerno.
Gayunman, may ilan ding nagsabing sila ay nabitin sa ulat dahil hindi natalakay ang ilang mahahalagang isyu gaya ng online gambling, pagtaas ng sahod, at ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
May ilan namang nagsabing tila wala pa ring malinaw na pagbabago.
Nadismaya rin ang ilan sa pagbibida ng Pangulo kay PNP Chief General Nicolas Torre III, na tinawag nitong “kampeon” sa isang biro, na sa tingin ng iba ay hindi angkop sa okasyon.
Tumagal nang higit isang oras ang kabuuang SONA ng Pangulo kung saan tinalakay niya ang iba’t ibang sektor kabilang ang agrikultura, edukasyon, kalusugan, imprastraktura, transportasyon, at ang laban ng pamahalaan kontra droga, korapsyon, at katiwalian. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









