Hindi naniniwala ang ilang Pangasinense na dumami na umano ang trabaho at mapagkakakitaan ng mga Pilipino.
Ayon sa ilang Pangasinense, para sa kanila hindi pa rin umano ramdam ang pagkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Kung dumami na umano ang trabaho at pinagkakakitaan ng mga Pilipino, bakit marami pa rin silang nakikitang tambay at patuloy na nakararanas ng kagutuman.
Mahirap rin umano kung magpapatuloy ang sitwasyon ng mga walang trabaho gayong nagsisitaasan ang mga bilihin.
May ilan rin naman ang nagsabing napansin rin naman nila ang pagkakaroon ng trabaho at pagkakakitaan ngunit hindi umano ito sapat upang maingat ang buhay ng isang normal na Pilipino.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments