ILANG PANGASINENSE, IGINIIT ANG TAIMTIM NA PAGDADASAL NGAYONG KWARESMA

Iginiit ng ilang Pangasinense ang taimtim na pagdarasal at paghingi ng kapatawaran ngayong kuwaresma.

Ilan sa mga ito, ipinapanalangin ang malakas na pangangatawan dahil sa mga umuusbong na mga bagong sakit para na rin sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay.

Binigyang-diin ng ilan ang tamang panahon upang magnilay-nilay upang mapatawad sa mga nagawang kasalanan.

Isa umano ito sa pag-alala sa lahat ng mga sakripisyo at pagmamahal na inialay ng Maykapal kaya nararapat lamang umano na pagtibayin ang koneksyon at komunikasyon sa Diyos.

Dagdag ng mga ito, hindi umano dapat tumigil ang mga tao na pananalangin dahil madalas ay dasal ang tugon sa kahit anong problemang kinakaharap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments