Umani ng iba’t-ibang opinyon at pahayag mula sa mga ilang Pangasinense ang ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ilan sa mga ito sinabing sang-ayon sila na maimpeach ang bise presidente dahil umano sa pagkakasangkot nito ukol sa ilang isyu tulad ng confidential fund.
Ang ilan, mas piniling huwag magbigay ng pahayag ukol sa usapin habang ang iba naman nakadepende umano kung nararapat ba talagang patawan ito ng impeachment.
Kung sakaling mapatunayan umano na may aberya o napatunayang sangkot sa mga ipinaparatang na alegasyon laban sa bise presidente ay maaaring ikonsidera ang impeachment.
Matatandaan sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong December 2024, nasa forty-one percent ng mga Pilipino ang sumusuporta umano na ma-impeach si Vice President Sara Duterte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments