ILANG PANGASINENSE, NANAWAGANG IWASAN ANG BANGAYAN SA MGA KUMAKANDIDATO TUWING ELEKSYON

Bangayan sa pulitika ang kadalasan umanong napapansin na isyu ng ilang Pilipino tuwing sasapit ang eleksyon sa bansa.

Ani ng ilang Pangasinense na nakapanayam ng IFM news team, madalas umano na magtalo at magsiraan tuwing nangangampanya ang mga magkatunggaling kandidato.

Kung patuloy umanong magbabangayan ang mga ito janggang sa may maluklok sa pwesto ay maaaring makaapekto ito sa istilo ng panunungkulan kung saan lubos na kawawa ang taumbayan.

Hiling ng mga Pangasinense ang mapayapa at patas na pangangampanya ng mga kumakandidato at maiging pagtuonan ang solusyon sa mga problema na kinakaharap ng bansa upang maging karapat-dapat sa pwesto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments