ILANG PANGASINENSE, PABOR SA PAG-ALIS NG SENIOR HIGH SCHOOL SA CURRICULUM

Isinusulong ngayon sa mataas na kapulungan ni Senator Jinggoy Estrada ang pagtanggal ng Senior High School sa curriculum.

Sa inihain nitong resolusyon, inilahad nito na sa loob ng 12 taon hindi umano nito nakamit ang mithiin ng programa.

Aniya, congested umano ang curriculum at naniniwala itong may mismatch. Dagdag pa ang pagiging overworked ng nga guro at estudyante, pati na rin ang low labor participation.

Samantala, nagpahayag naman ang ilang pangasinense ng pagsang-ayon sa panukala. May nagsabi na maganda umano ito para ang mga highschool graduate na hindi na kayang magpatuloy sa college ay makadiskarte na.

May ilan ding nagpahayag na pahirap umano sa mahirap ang naturang programa.

Samantala, may nagsabi rin na kinaya umano nilang mapagtapos ang kanilang anak.

Sa darating na pasukan, may ilang pagbabago sa curriculum ng mga Senior High Students partikular ang pagtatanggal ng mga strands kung saan magkakaroon ng pilot testing sa paparating na school year. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments