ILANG PANGASINENSE, SANG-AYON SA INAPRUBAHAN NG PANGULONG MARCOS NA PRESYO NG BIGAS SA BUONG BANSA

Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa inaprubahan na ngayong araw ng Biyernes unang araw ng Setyembre ang rekomendasyong magtatakda sa presyo ng bigas sa buong bansa.
Sa bisa ng Executive Order No. 39 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad sa resolusyom na hindi na dapat lalagpas ng ansa P41 ang kada isang kilo ng regular na bigas o milled rice at ang mandated price cap naman para sa well-milled rice ay P45 kada kilo.
Ayon pa sa resolusyon, magkakaroon ng katiyakan na resonable ang presyo ngayon ng bigas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na ayon sa ilan nakakaalarma ngayon ang presyo nito sa mga pamilihan.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang Pangasinense, sang-ayon anila sila sa itinakdang presyo ng Pangulo dahil kahit papaano raw ay makakabawas ito sa kanilang mga gastusin.
Dagdag pa ng mga ito na kahit papaano ay mapipigilan ang pagtaas ang ng presyo ng bigas.
Samantala, magtatagal ang naturang kautusan hanggang sa hindi babawiin ng Pangulo ang kanyang direktiba. |ifmnews
Facebook Comments