ILANG PANGASINENSE, SANG-AYON SA PAGHIHIGPIT SA MGA PUV KONTRA OVERLOADING

Mas pinili ng ilang Pangasinense ang ligtas na pagbiyahe nang hindi nakikipag siksikan sa mga pampublikong transportasyon o overloading.

Ayon sa ilan, malapit sa aksidente ang naturang siksikan na animo’y sardinas ang mga commuters dahil higit pa sa itinakdang kapasidad ng isang sasakyan ang kinakarga nito.

Segunda pa ng ilan, partikular ang mga driver, posible pang dumoble ang sagutin o obligasyong pinansyal kapag ipinalit ang pagsakay ng mas maraming pasahero kapag naaksidente.

Sa ilalim ng ‘Anti-Sardinas’ Policy, ipinagbabawal ang pagsakay ng sobra pa sa kapasidad na itinakda ng LTO at LTFRB sa iba’t ibang uri ng sasakyan kabilang pa ang basehan na nakasaad sa manufacturer’s specification.

Nakasaad sa kautusan, siyam hanggang labingdalawang pasahero lamang ang kapasidad kabilang ang driver sa isang AUV,regular at extended vans habang 12-32 pasahero naman sa mga moderno at tradisyonal jeepneys; at 50 katao naman ang kapasidad ng bus.

Hanggang limang katao lamang ang pinahihintulutan na nakatayong pasahero kada kwadrado ng espasyo ng PUV.

Hinimok ng mga tanggapan ang maagap na pagtalima ng mga operators at drivers sa umiiral na kautusan dahil maaaring mauwi sa pagkawalang-bisa ng prangkisa ang mahuhuling lalabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments