Sang-ayon ang ilang Pangasinense sa isinusulong na panukalang batas na tumatalakay sa pagbibigay ng gobyerno ng P1000 na allowance sa lahat ng mag-aaral maging ang pagkakabilang ng 20% discount sa load para sa mobile internet services.
Ayon sa ilang Pangasinense, malaking bahagi umano ng pang-aaral ang pera bilang pangtustos sa matrikula at iba pang gastusin sa paaralan.
Tulad ni Jomar James Caranza, isang estudyante sa San Jacinto, Pangasinan, limitado umano ang kayang bunuin nangg arawang baon nito na nasa 70 pesos lamang kaya malaking tulong sakaling maisabatas ang pagbibigay allowance at discount.
Sinang-ayunan rin ito ng ilang magulang na may pinapaaral sa kolehiyo.
Samantala, inihihirit din nila ang problema sa kakulangan ng ilang kagamitan pang-eskwela na patuloy naman sinisikap punan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









