Umaasa ang ilang Pangasinense na magkaroon sana ng NFA rice o murang bigas sa mga pamilihan o palengke sa probinsya upang kahit papaano ay makatipid o mabawasan man lang ang gastusin sa araw-araw.
Matatandaan na nagsimula nang magbenta ang ilang lokal na Pamahalaan sa bansa ng 33-35 pesos na kada kilo ng NFA Rice.
Ayon sa mga mamimili, Sana ay magkaroon ng maraming suplay ng NFA Rice sa merkado upang maranasan nilang makapamili ng bigas sa abot-kayang halaga.
Ilang rice retailers sa pamilihang bayan ng Calasiao at sa Dagupan City sinabing bagamat wala pang NFA Rice, mayroon din naman umano silang naibebentang broken rice na nagkakahalaga ng nasa 37-38 pesos kada kilo hindi na nagkakalayo sa presyo ng ibinebentang NFA Rice.
Sa ngayon, wala pang suplay ng NFA Rice sa mga pamilihan sa probinsya at kung magkakaroon man tiyak na tatangkilikin ito ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









