ILANG PANGASINENSE, UMAASANG IIWASAN NG MGA KANDIDATO ANG SIRAAN

Plataporma hindi siraan ito ang panawagan ng ilang mga Pangasinense sa mga kumakandidato para sa Halalan ngayon taon.

Ayon sa ilang Pangasinense, mas magandang ilatag ang plataporma ng mga kandidato at huwag pairalin ang mga paninira at pansariling kapakanan.

Mainam din anila na dapat umanong pairalin ng mga kumakandidato ang sportsmanship at ituring na trabaho at seryosong gampanin ang mga pwestong nais nilang maluklok.

Sa huli, hiling ng mga ito ang maayos na halalan at walang kaguluhan para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments