ILANG PANGASINENSENG COMMUTERS, SUPORTADO ANG HINIHINGING FARE INCREASE SA MGA PAMPASAHERONG JEEP

Suportado ng ilang mga commuters sa lalawigan ng Pangasinan ang hinihinging fare increase ng ilang mga transport group sa mga pampasaherong dyip bilang pantugon sa hindi stable na presyo ng produktong langis ngayon.
Matatandaan na bunsod ang higit na pagsulong nito ay ang naranasan ng mga operators na ilang linggong pag sirit sa presyo ng krudo at bagamat nagkaroon ng rollback ay wala naman daw umano epekto ito.
Ayon sa ilang mga Pangasinenseng commuters, handa raw ang mga ito sa dagdag pasahe dahil naiintindihan daw nila na malaki ang naging epekto ng mataas na presyo ng langis para sa mga pumapasada.

Bagamat hirit din ng mga ito ang karagdagan ding mga pampasaherong sasakyan sa lalawigan dahil lalo ngayon ay madalas maranasan umano ang pahirapan sa pag-uwi dahil sa dami ng pasahero.
Samantala, sa kanilang banda ay ipagpapatuloy naman umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagdinig hinggil sa nasabing panukala sa susunod na linggo. |ifmnews
Facebook Comments