Ilang pangunahing kalsada sa Marikina City, apektado na din ng pagsasara ng eastbound lane ng Marcos Highway

Apektado na din ng pagsikip ng daloy ang mga kalsada sa Marikina City dahil sa pagsasara ng eastbound lane ng Marcos Highway sa may bahagi ng tulay.

 

Partikular na naapektuhan ay mga kalsada ng A. Bonifacio at Sumulong highway na patungong Quezon City area at Marcos Highway.

 

Bagamat may umaalay na mga traffic enforcer, hindi naman daw maiiwasan ang pagdami ng volume ng sasakayan lalo na’t araw ng lunes.


 

Muling paalala ng Marikina City Government at ng MMDA na planuhin maigi ang pagbiyahe maging ang mga rutang dadaanan.

 

Magbaon din daw ng mahabang pasensiya at pang-unawa dahil hanggang buwan pa ng setyembre posibleng matapos ang rehabilitasyon ng nasabing tulay.

Facebook Comments