
Nagdulot ng light hanggang heavy traffic ang ilang pangunahing kalsada sa San Carlos City noong hapon ng Abril 12 matapos pansamantalang isara ang bahagi ng Roxas Boulevard para sa street dancing ng Mango Bamboo Festival 2026.
Bago ang parada, nagsimula ang selebrasyon sa isang Thanksgiving Mass alas-2 ng hapon.
Agad namang dinagsa ng mga residente, manonood, at kalahok ang mga lansangan upang saksihan ang opening parade at street dancing. Nagsimula ang ruta mula St. Charles Complex, dumaan sa Rizal Avenue, Towncenter area, Galvan Road, at Roxas Boulevard bago nagtapos sa Open Grounds sa Brgy. Roxas.
Sa nasabing lugar rin isinagawa ang pagtatanghal ng mga street dancers na nagbigay-buhay pista, sa kabila ng pansamantalang pagsikip ng daloy ng trapiko sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










