Ilang pantalan at terminal, naghahanda na sa posibleng pagdagsa ng biyahero ngayong Undas

Naghahanda na ang ilang pantalan sa posibleng pagdagsa ng mga biyaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas.

Sa Batangas Port, nasa 10,000 mga pasahero ang inaasahang darating.

Ayon kay Batangas Port Manager Joselito Sinocruz , natapat sa long weekend ang araw ng Undas kaya’t marami ang uuwi sa kanilang mga lalawigan kasabay na rin ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila at mga probinsiya.


Kaugnay nito, naglagay na ng quick reaction desk na may nakatalagang pulis sa nasabing pantalan habang gagawin nang 24/7 ang operasyon ng Malasakit Help Desk

Samantala, ilang araw bago ang Undas ay dumoble na rin ang bilang ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, inaasahang papalo sa 60,000 na pasahero kada araw ang mga babiyahe sa PITX para umuwi sa kanilang probinsya.

Facebook Comments