Wala paring operasyon ang nasa 92 seaports sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw July 28, karamihan ng mga tigil-operasyon na pantalan ay nasa MIMAROPA na 33, 23 sa Region 3, 17 sa Region 6 mayruon ding 4 sa CALABARZON, 3 sa Region 2 at 1 sa Region 1.
Kasunod nito, umaabot sa 1,028 ang bilang ng mga stranded na pasahero mula sa MIMAROPA, Regions 6, 8 at National Capital Region.
Hindi rin muna pinapayagang maglayag ang nasa 169 na rolling cargoes, 23 vessels at anim na motorbancas.
Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga biyahero na makipag-ugnayan muna sa kinauukulan upang mabatid kung tuloy o hindi ang kanilang mga biyahe kaysa ma-stranded sa mga pantalan.
Facebook Comments