Manila, Philippines – Dumating na sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang panukalang batas na naratipikahan na ng Kongreso na nagaabang nalang ng lagda ng Pangulo.
Base sa dokumentong inilabas ng Presidential Legislative Liaison Office, nasa opisina na ng Pangulo ang panukalang batas magbibigay ng libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa.
Nasa tanggapan na rin naman ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na mag papahaba ng validity ng Philippine passport ng hanggang 10 taon at divers license ng hanggang 5 taon.
Lagda nalang din ng Pangulo ang hinihintay para tuluyan nang maisabatas ang pagbibigay parusa sa mga ospital na hindi tatanggap ng pasyente ng walang ibinibigay na down payment, pagsama sa mga casino sa anti-money laundering act at ang pagbibigay ng gobyerno ng free public wifi.