Nakuha na ng mga otoridad ang baril na ginamit sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Nakita ito sa gilid ng bahay sa poso negro ni Emmanuel Rosillo na nagsilbing driver ng get away vehicle sa krimen.
Ayon kay Rosillo, itinapon niya sa poso negro ang 45 na baril na ginamit ng gunman na si Rolando Arimado matapos ang pagpatay sa kongresista noong December 22.
Saksi ang asawa ni Rosillo habang hinuhukay ng mga pulis ang poso negro kung saan nakita ang mga bata ang iba’t-ibang bahagi ng kalibre 45 na baril tulad ng magazine.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Region 6 Chief Senior Superintendent Arnold Ardiente, dadalhin nila ang ebidensya sa Kampo Crame dahil isa itong critical evidence sa testimonya ni Emmanuel Rosillo sa pagpatay kay Ako Bicol Representative Batocabe.