Ilang parte ng Luzon, nagkaroon ng rotational brownout

Nagkaroon ng rotational brownout sa ilang lugar sa Luzon.

Ito ay matapos ipatupad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP manual load dropping o pagbabawas ng supply ng kuryente ng mga electric cooperatives.

Ayon sa NGCP, umiral ang red at yellow alert sa buong araw kahapon na umabot dakong alas-6 kagabi.


Kabilang sa naapektuhan ng rotational brownout ang Metro Manila, Quirino, Cabanatuan City, Tarlac City, Isabela at Albay.

Tiniyak naman ng NGCP na patuloy ang kanilang monitoring sa lagay ng grid at sa supply ng kuryente.

Facebook Comments