Manila, Philippines – Suportado ng mga Partylist Congressmen ang pagkakatalaga kay outgoing Kabayan Rep. Harry Roque bilang bagong Presidential Spokesperson kapalit ni Ernesto Abella.
Ayon kay Bagong-Henerasyon PL Rep. Bernadette Herrera-Dy, swak o sakto sa nasabing posisyon si Roque dahil ito ay may order at sense magsalita.
Aniya pa, higit na kailangan din ito sa Malacañang para epektibong maihatid ang mensahe ng Pangulo sa publiko.
Malawak din ang kaalaman at karanasan nito sa human rights law, international law at constitutional law na tiyak na magagamit nito sa kanyang bagong posisyon.
Bukod dito, maayos ang naging pakikitungo ni Roque sa media at batid nito ang kailangan na mga balita na magmumula sa palasyo.
Facebook Comments