5 pantalan ang apektado ng sama ng panahon dulot ng Bagyong Maymay.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa mga non-operational ports ay Real port, Jomalig Port, Patnanungan Port, Dinahican Port at Polilo Port.
Kasunod nito, 37 pasahero ang stranded dahil sa pagkabalam ng operasyon ng nabanggit na mga pantalan.
Samantala, 26 na rolling cargoes ang hindi rin pinayagang makapaglayag mula sa CALABARZON.
Kaugnay pa rin ng Bagyong Maymay, 13 daan ang hindi madadaanan ngayon ng mga motorista.
Sa nabanggit na bilang 10 daan dito ang mula sa Region 2, 3 mula sa CAR at 2 tulay din ang unpassable sa Region 2.
Facebook Comments