Ilang pasahero na galing probinsiya, unti-unti nang nagdadatingan sa PITX ngayong umaga

Nararamdaman na ang pagdami ulit ng mga pasaherong naguwian na galing probinsya dahil sa isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, as of 8 am, pumalo na sa 27,532 ang foot traffic sa terminal.

Aniya, hindi raw ito ang normal average kapag normal days.


Ngunit mas inaasahan nila na magdadatingan ang mga pasahero sa weekend dahil ang iba raw ay in-extend at nakapag-leave na sa kanilang trabaho.

Samantala, patuloy naman ang pagbabantay ng mga personnel ng PITX gayon din ang pulisya upang matiyak pa rin ang seguridad ng mga pasaherong pabalik naman ng Metro Manila.

Facebook Comments