Ilang pasahero sa PITX, hindi nahirapang bumiyahe ngayong Undas

Karamihan sa mga pasahero ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay hindi nahirapang bumiyahe pauwi sa kanilang mga probinsya ngayong paggunita ng Undas.

Ayon kay Erika Pulvinar, biyaheng Bicol, wala siyang naranasang aberya sa pagpasok sa PITX at sa kanyang pagbili ng ticket.

Paliwanag ng pasahero, sinubukan nilang mag-advance booking online upang hindi maubusan ng ticket at mapabilis ang proseso.

Kapansin-pansin naman ngayong araw, at maging kahapon, na hindi mahaba ang pila sa mga ticketing booth at marami pang available na ticket para sa mga magwo-walk-in.

Kahit ang ibang mga pasahero na nakausap ay maagang nag-book online upang maiwasan ang aberya.

Samantala, biglang dumagsa ang mga pasahero kagabi, October 31, ngunit ngayong mismong Undas ay mas kakaunti na ang mga pumapasok na biyahero.

Facebook Comments