Ilang pasahero sa PITX, nakumpiskahan ng mga ipinagbabawal na dalhin sa terminal

Sa kabila ng paalala ng pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kaugnay ng mga ipinagbabawal na dalhin sa biyahe ay marami pa ring nakumpiskang mga kontrabando na dala ng mga pasahero.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Manila kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, sinabi nitong marami pa rin ang kanilang mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na dalhin sa biyahe.

Kasama na rito ang mga matutulis na bagay gaya ng itak, gunting at kutsilyo kasama pa ang flammable materials tulad ng tangke ng liquefied petroleum gas o LPG at butane.


Maging ang firecrackers o paputok na gagamitin ng mga pasahero sa pagsalubong ng Bagong Taon ay nakumpiska rin sa mga biyahero.

Samantala, ilan sa mga nakumpisa sa PITX ay ang mga sumusunod: 53 kutsilyo, anim na gunting, apat na cutter, 26 na butane, 10 Super kalan at 15 firecrackers.

Facebook Comments