Ilang pasaherong nakasabay ng 2 Chinese nat’l na nagpositibo sa nCoV, nakitaan ng mga sintomas

Ilang sa mga nakasabay ng dalawang Chinese national na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus ang nakitaan ng sintomas ng nasabing sakit.

Ayon kay Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Deputy Director Police Colonel Rhoderick Armamento, 23 mula sa 61 pasahero ng Cebu Pacific flight 5J 241 ang kanila ng na-contact na.

Sa nasabing bilang, tatlo sa mga ito ng nakitaan nila ng sintomas gaya ng lagnat.


Aniya, isa sa mga ito ang nagpa-quarantine na sa isang provincial hospital. Habang ang dalawa ay sa kanilang mga bahay.

Sabi pa ni Armamento, 25 mula sa 132 pasahero naman ng Philippine Airlines flight 2452 ang kanila na ring nahanap kung saan tatlo ang may sintomas ng virus at naka-quarantine na sa hospitals.

Pagtitiyak ni Armamento patuloy ang kanilang contact tracing sa iba pang mga pasahero gayundin sa mga indibidwal na nakasalamuha ng ikatlong Chinese national na nagpostibo rin sa nCoV.

Facebook Comments