Ilang pasaway na motorista sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, nahuli-cam

Manila, Philippines – na hulicam ang ilang pasaway na motorista sa bahagi ng Rizal Avenue, Maynila.

Sa video, makikita ang isang traffic sign na ‘no left turn’ pero hindi ito sinanto ng driver ng government vehicle na sumingit sa harap ng up loader.

Sa isa pang video, pinanindigang ang pagiging ‘hari ng kalsada’ ang isang pampasaherong jeepney na nag counter flow.


Nakipagmatigasan pa ang tsuper kahit nasa tamang lane ang up loader.

Bukod dito, nakunan din ng litrato ang isang sasakyan na nakapark sa ‘no parking zone’ sa Iloilo habang ang isang sasakyan naman ay natiketan matapos pumarada sa isang parking spot na para sa mga persons with disability.
DZXL558

Facebook Comments