ILANG PASYALAN NGAYONG SEMANA SANTA, TAMPOK SA POZZORUBIO

Sa nalalapit na Semana Santa, natural na sa mga Pilipino ang pamamasyal sa mga lugar na tahimik kung saan maaaring makapag nilay-nilay.

Isa sa mga maaaring dayuhin ay ang Malasin River sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon kay Maria Christina Calachan, Tourism Officer ng Pozorrubio, ang Malasin River ay karugtong ng Angacalan River ng Manaoag na nagkataong nasa Barangay Malasin, Pozorrubio.

Bagamat nasa private property ito, libre ang entrance fee. Maaari ring magrenta ng cottages para sa mga nagnanais na magtagal sa lugar.

Tahimik, may sariwang simoy ng hangin, at malinis na tubig kaya swak na swak talaga ang lugar para sa mga nagbabalak magrelax ngayong Holy Week.

Maliban naman sa Malasin River, hinikayat din ng Tourism Office na pasyalan ang ilan sa mga resorts sa bayan, maging ang tinatawag na New Zealand of Pozorrubio.

Para naman sa mga nagbabalak mag visita iglesia, maaari ring dayuhin ang St. Padre Pio Parish Church sa Palguyod, Pozorrubio na isa sa tatlo lamang na itinayong St. Padre Pio Church sa buong bansa.

Iba iba man tayo ng paraan ng paggunita ng semana santa, isa lamang ang tiyak sa puso ng bawat Pilipino, nananahan ang ating pagiging kristiyano. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments