Ilang patakaran ng Senate Blue Ribbon Committee, ipapabago ni Senator Tolentino

Nakatakdang umupo bilang chairman ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee si Senator Francis Tolentino at plano niyang ipabago ang ilan sa mga patakaran nito.

Layunin ni Toletino na mas maging maayos ang pag-iimbestiga ng komite at mapangalagaan din ang karapatan ng mga iniimbestigahan nito.

Pangunahin sa nais ipatupad ni Tolentino ang pagkakaroon ng preliminary determination o pag-aaral muna ng komite sa usapin na pinapaimbestigahan sa komite sa halip na agad silang magsagawa ng pagdinig.


Bukod dito ay nais din ni Tolentino na magtakda ng panahon sa itatakbo ng imbestigasyon.

Ipapalinaw rin ni Tolentino ang kaibahan ng commitment order at detention order kapag mayroon silang na contempt at ipinakulong at magkakaroon ang komite ng permanenteng general counsel.

Bukod dito, gusto rin ni Tolentino na magkaroon ng probisyon ang Blue Ribbon Committee para sa referral to prosecute kung saan ang ilalabas nilang committee report ay ipadadala sa kaukulang ahensya ng gobyerno kung may irerekomenda silang kasuhan matapos ang imbestigasyon.

Facebook Comments