Imbitado sa pagdinig bukas sa Senado tungkol sa COVID-19 vaccine program ng pamahalaan ang ilang pharmaceutical companies at vaccine manufacturers.
Batay sa abiso ng tanggapan ni Senate President Tito Sotto III, ang mga kompanyang Sinovac Biotech Limited, Zuellig Pharma Philippines, Pfizer at Unilab ang inaasahang mga dadalo.
Kasama rin ang MKG Universal Drugs na siyang distributor ng kompanyang Sinopharm sa bansa.
Samantala, lilinawin muli bukas ng Senado ang ilang detalye tungkol sa aangkating COVID-19 vaccine sa kompanyang Sinovac partikular ang eksatong presyo nito.
Ayon kay Senator Risa Hontiveros, huwag nang magtago pa sa likod ng confidentiality agreement dahil kailangan ng publiko ng transparency sa iba pang detlaye ng bakuna.
Facebook Comments