Nakatanggap ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng ulat na may ilang Pilipino sa Gaza ang nais nang umuwi ng Pilipinas.
Pero sa bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DFA Usec. Eduardo Dela Vega na batay sa pakikipag-ugnayan nila sa embahada ng Pilipinas sa Israel, sinasabing ang pangunahing pangamba lamang ng mga Pilipino ay ang kanilang seguridad.
Siniguro naman aniya sa kanila ng embahada na sila ay ligtas hangga’t sila ay nasa shelters ng militar.
Batay sa datos ng DFA, tinatayang nasa 150 na mga Pilipino ang kasalukuyang nasa Gaza.
Una nang tiniyak ng DFA at OWWA, na sakaling mayroon nang inisyung clearance para magpatupad ng mandatory repatriation ay gagawin nila ito agad-agad.
Facebook Comments