Humihingi na ng tulong ang ilang Pilipinong manggagawa sa Israel kasunod ng patuloy na kaguluhan doon sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas militants.
Ayon kay Hans Leo Cacdac, Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang sa mga humihingi ng tulong ay ang mga Pilipinong naninirahan sa isang bahay na walang pagtataguan sa oras na bombahin ang kanilang lugar.
Nabatid na mayorya kasi sa mga Pilipino sa Israel ay mayroong bomb shelters kaya tanging ang mga wala lamang ang humihingi ng tulong.
Sa ngayon, pagtitiyak ng OWWA nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipinong nasa Israel na umaabot sa 30,000 ang bilang kung saan karamihan ay mga caregivers na naninirahan kasama ang kanilang mga employers.
Facebook Comments